Friday, November 28, 2014

TURBINA

"Dito po ang sakayan patungong cavite..." 
paulit-ulit na naririnig sa speaker 
na nananawag ng pasahero sa turbina... 
at dahil tuwing lunes ng madaling araw ako 
nag-aabang dito ay halos nakabisado ko na

"Ang tyaga naman ng aleng 'to 
na namumulot ng mga bote ng mineral
nang ganito kaaga", sabi ko sa sarili habang iniisip 
kung pa'no nya gustong simulan ang araw pagkatapos ng pasko
Siguro'y ibebenta at ang kikitai'y ipapakain sa mga anak.

Bitbit pa nya ang backpack
habang may mga dumarating nang pasahero papuntang Cavite
Wala paring dumarating na van mula nung umalis yung inabutan ko
Humaba na yung pila hanggang sa natawa nalang ako sa reaksyon ng mga nagtatanong na...
"Kuya dito po papuntang cavite?"

Sabi ng utak ko, "hindi , hindi, hindi ate... bingi lang?
kaya nga un yung sabi sa speaker diba
Wala namang ibang sasakyan para kalituhan"
Sabay turo ng dispatcher kung saan pipila...

Natatawa 'ko sa reaksyon mga mukha ng bawat nagtatanong na magkakatulad pa ng eksena
Meron pang balak manggulang
dahil pumwesto sa unahan kahit bagong dating lang xa
Dedma-dedmahan sa pila,
Paglingon sami'y nakaramdam siguro ng panlalamang sa kapwa
ayun, pumila rin si ate...

Mamimiss ko 'to...
yung gigising ng 1am babyahe papuntang Cavite at papasok ng bangag
Mawawala lang ang masamang pakiramdam na yun pag nakahigop n ng mainit na kape
Mamimiss ko din yung mga alaga ko dun
at syempre mga kasamahan sa staff house
Mejo tumagal din ako dun, siguro may iba talaga'ko gustong gawin at pagkaabalahan
Teka lang madrama na...

Ayun buti nalang may dumating nang van makakasakay na'ko at 5:30am na
Sana di ako ma-late, sabay daan ulet ung ateng namumuot ng plastic na bote
Nagulat ako sa isang sakong bitbit nya na punung puno ng pinamulot nya
Mahalaga talaga ang bawat minuto't oras...
Akalain mong ako magbabyahe palang, si ate nakapag trabaho na agad...



Saludo talaga'ko kay ate~!!!!! yeah

No comments:

Post a Comment