Tuwing bakasyon, hindi ko nalilibanan ang pagpunta sa SALOK. Dahil sa mainit na panahon, bagay na bagay ang ganito kalamig na paliguan. Ito ay matatagpuan sa Barangay Dapdap, Tayabas City. Noo'y isa lang itong simpleng ilog. Dahil sa maraming naliligo dito dahil meron itong falls, ginawan ng mga residente nang mala-swimming pool na paliguan. Nilagyan nila ng mga bato sa daluyan nito para maharangan ang tubig na umaagos at para makaipon ng ganito kalalim na tubig. Aabutin ng 30minutes mahigit ang paglalakad bago makarating dito.
Masarap maligo dito dahil sa mala-yelong tubig sa sobrang lamig! Maaari ring magdala ng pagkain at mag-ihaw sa tabi nito. Dahil sa ganda ng kalikasang ito ay mas lalong biniyayaan ang mga tao dahil sa sipag nila at pag-iingat sa lugar na ito. Isa ito sa mga ipinagmamalaki ng Barangay Dapdap dahil sa linis ng tubig na dumadaloy ay maaari rin itong inumin.
Ito ang pinaka-unang pinupuntahan ng mga residente dito sa Brgy. Dapdap kapag buhusan(isang tradisyon na ginaganap tuwing buwan ng Mayo), at kahit punung-puno ng tao ay mas gusto parin na dito maligo dahil napakalinis ng tubig na umaagos dito. At kapag naranasan mong maligo sa water falls dito ay para kang nagpapa-massage dahil sa malalaking patak ng tubig na tumatama sa likod mo. Para sa akin, tinawag itong salok dahil sa hindi naman ito kalalimang palanguyan, pwede ka lang magdala ng tabo at sumalok ng tubig habang naliligo.

No comments:
Post a Comment