Kapeng Barako


Isa sa mga paboritong inumin ng mga Pilipino ay ang kape. Pagkagising palang natin sa umaga, ito na ang hanap. Bagamat napakarami nang mga uri ng kape ngayon dahil na rin sa dami ng nakakatuklas ng iba't ibang panlahok rito, mas masarap parin sa karamihan ang kapeng barako. Marami paring tumatangkilik at nag-aalaga sa ganitong uri ng halaman. Malaki kasi ang pakinabang at maaari pang gawing kabuhayan kung ito ay sarili mong tanim.


Mayroong mga makina na mas nagpapabilis ng proseso sa paggawa ng kape dahil sa mga makabagong teknolohiya. Ngunit marami parin sa atin ang mas gumagawa nito sa makalumang pamamaraan:


Pagkapitas ng mga bunga mula sa puno, ibilad ito sa init ng araw sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw. Obserbahan ang unti-unting pagkatuyo. Maaaring gumamit ng bilao o anumang malapad na mapaglalatagan ng mga bunga dahil mas mabilis itong matutuyo kung nakakalat ito o hiwa-hiwalay.




Kapag sapat na ang pagka-tuyo nito, maaari na itong durugin o dikdikin para matanggal ang balat. Hindi kakayanin ng kamay lamang sa pagbabalat nito kaya kailangang gamitan ng halo at lusong



     Kinakailangan ng malakas na pwersa sa pagdudurog ng mga bunga upang mas madali itong mabalatan at hindi makasasakit sa kamay ng maghihimay. 
 Ganito dapat kapino o kadurog ang kalalabasan ng iyong ginawa. 
Balatan/talupan ito hanggang at ihiwalay sa isang lalagyan. Ang balat nito ay maaaring gawing compost o pataba sa halaman kaya kapaki-pakinabang parin sa halip na itapon na lamang at gawing basura. Ang ganitong uri ng pagpapahalaga sa mga produkto ng kalikasan ay dala dala parin natin hanggang ngayon dahil ito ay minana natin sa ating mga ninuno.


Pagkatapos itong balatan, ibilad muli sa pangalawang pagkakataon. Upang mas matuyo ang kape hanggang sa tumigas ito, siguraduhing handa na ang bunga bago gawin ang susunod na proseso.


     Kapag ganito na katuyo ang mga butil, maaari na itong isalang sa kawali at initin. Walang ibang halo. Huwag hayaan nang matagal sa kawali, haluin ng haluin hanggang sa maging mas maitim o kulay sunog na ito. Madali itong maluto kaya naman dapat pantay ang kulay ng bawat butil. Siguraduhing sabay sabay itong nailagay sa kawali o sa paglulutuan.Habang hinahalo ito ay may mga butil paring hindi mo maiiwasang mapasama na may kaunting balat at dapat itong tanggalin dahil maaari itong mapasama kapag pino na.


Kapag handa na ito at lutung luto na, maaari na itong ipagiling upang maging isang ganap na kape, kapeng barako. 

Ito talaga ang pinakamasarap sa lahat ng uri ng kape. Mabisa ring panlaban sa antok ang kapeng barako dahil sa tapang nito na nagpapasigla sa dugo nating mga tao.




No comments:

Post a Comment