Best Year EVER!

Last December 2013, I resigned on my First Job... at eto mga nangyari sa 2014 ko! :D 

Nabalitaan ng mga Highschool friends ko na mga mommy na ngayon, na nasa bahay ako , so they visited me... :D Ang saya saya! I can't believe na may mga bitbit na silang anak, yung dalawa nasa tyan pa nila. hehe ... at hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila natatawa lang ako kasi "Bakit ganun?parang marami akong hindi nalalaman sa mundong ibabaw?" wahahahha! napapatanong nalang ako sa sarili ko. I'm so happy na hindi sila nagbago sakin.

From Left to Right: Roxan, Wyren, Zet (Me), Anna, & Judy



Syempre, naghanap ulit ako ng bagong work, that was March 2014. Alam nyo bang sa Laguna ko lang balak mag-apply noon? Ito yung sa TechnoPark na puro production ang hina-hire nila nung time na yun, kaya inabutan na ako ng Birthday ko wala parin akong trabaho.



Nakasama ko nga si Farah before at tumira naman kami sa isang room na tinanggap agad namin kahit hindi pa namin nakikita yung titirhan namin. So pagkadala samin sa room, aba 8 kami nakatira dun tapos ang ineeeet. Maraming ipis, at ang hirap magluto sa kalan nila. Hay. Napapaghalataan kami na hindi sanay sa ganun. 

Dito ako tumira kasama si Jeziel... ang kasama kong mag-apply and one of my best friends. 1k/month ang upa namin napakainit at napakaliit na kwartong yan. Hindi biro ang ginastos namin at pang-araw araw na pangkain. Hahaha.


Nakipagkita kami kay Dhelma to visit "Bahay ni Rizal" 



Lumipas na yung Birthday ko wala paring trabaho. Inabot ako ng 4months na naka tengga sa aming computer shop. Ang masaya lang dun, present ako sa summer get aways!!! Parang bigla kong nakalimutan yung mga trials na naranasan ko habang nag aapply non sa Laguna. Na kahit may libtok kana sa paa kakauli ay hindi kaparin sumusuko sa paglalakad dahil gusto mong magkatrabaho na agad para makatulong sa pamilya mo. 

@Iyam, Lucena (diko alam yung pangalan ng resort dahil bago palang)

@Nawawalang Paraiso

I Super Love Swimming!!! \m/

 And because wala na kaming ibang mahanap na pag applyan, after summer we tried to apply sa Makati... sa isang agency. Matagal tagal rin hindi parin ako tinawagan. Sobrang dami talaga naming  sinubukang applyan.

Sa pabalik balik ko dito sa Quezon Province, naka attend pa ako ng National Convention ng PAG (Philippine Assemblies of God) na may temang "Be Fruitful in God's Action" It's such a blessing na maka attend ng ganitong mga pagtitipon. Ginanap yun sa Batangas.



Hanggang sa naka chat ko si Tito Bebs and inalok nya akong magtry sa isang Company. So I tried. :D Super thankful naman ako sa opportunity na ibinigay nya dahil welcome ako pagdating ko. Kaya mula sa Laguna, nagkita kami ni Mother sa Turbina para ihatid sa QC na pwede kong matuluyan habang nagaattend attend sa mga trainings na inoffer ni Tito. At yun ay kina Tito Bebot.

Yun na yung simula napabilang ako sa DRIVEN Marketing Group Inc., at eto yung mga magagandang nangyari sakin! :D Dito nagsimula lahat ng Blessings.

Madali ko namang nahanap yung office, so nakikipagsapalaran ako always sa MRT from GMA kamuning to Boni ... Hindi rin biro ang makipagsiksikan sa mga tao ... buti nalang hindi pa ako nadudukutan o nasisiraan ang tren na nasakyan ko. Kaya thank God I'm always safe! Kung medyo chill ako sa first 4months ng 2014... Nasundan nman yon ng iba't ibang schedule na nagpamotivate lalo sakin. 

Naka graduate ako ng DREAM (training). Nagkaroon ako ng new friends! At nabago yung pananaw ko... nagkaroon ng mga bagong kaalaman. At naging part na ng Real Estate group.


Umattend din ako ng 3days Seminar and Training sa DMCI...



Pinili ko ang Go-Cavite Cluster dahil maraming affordable house and lot dun na pwede kong ialok sa dating mga katrabaho ko sa Cavite. Bonus nalang ni Lord na yung Group na yun pala ang the Best Group dahil ito ang laging #1 Cluster!


At dahil nga GoCavite ang Group na pinili ko... I travel from QC to Cavite para matuto at maging mas productive. Dahil napaka byahera ko... enjoy lang ako sa mrt from Kamuning to Taft (kaduluhan na talaga) from there... sakay nalang ako ng isang jeep tapos nandun na ako sa meeting place ng group. Haha! Saglit lang naman eh. :D

Kasi alam ko, Hindi ako matututo kung hindi ako aalis ng bahay at mag-eeffort para dito. Parang nasa stage ako na "Hinahanap pa yung gusto ko talagang marating"

After 2months, hindi ako nakontento kasi dipa ako nakakabenta, feeling ko kailangan ko pa ng isang trabaho. Sakto naman tumawag sakin yung agency na inapplyan namin dati ni Jazi. Pinuntahan ko kahit sa Makati pa yun. They promised me na Quezon Province ang magiging area ko. So I accepted the 2months project. Buong Province namin nilibot ko sa pag-susurvey ng mga mobile stores, kahit sa isla.. kahit mag-isa... kahit first time...




Mas lalo pa nga akong nag-enjoy dahil nga gumawa pa ako ng Nickname ko "DoraLitisia" hahaha! Sobrang ganda talaga ng nature. This was my first time sa boat. Hindi ako natakot dahil alam ko yung dapat gawin. Nagtravel ako ng nagtravel hanggang sa hindi na ako naging active sa DRIVEN kung saan kakatraining ko palang. Pero sa mga araw na nag susurvey ako... Hindi ko akalaing dun pa ako makaka-First Sale!!!! The ICE BREAKER sale! :D



Oh diba, feel na feel ko yung dalwang trabaho ko. Hehe. Kaya nagtataka ako kung bakit ako tumaba eh layas nga ako ng layas. Dun ko napatunayan sa sarili ko yung sinasabing enjoy ka talaga sa trabaho.

 Balik tayo sa pagsusurvey ko at paglilibot sa buong Quezon...


"Naging ganito kalawak ang pag-asa na naramdaman ko" 
... habang tinitingnan ang view na 'to sa Atimonan port.
Sabi ko, "Lord, ikaw na bahala sakin."




Tuwing umuuwi ako samin, laging may event na natatapat sa araw na free ako.
Naalala nyo yung bagyo na napinsala ang Quezon province? Yun ang naging inspirasyon ng grupo namin para gumawa ng event kung saan magpeperform ang mga skaters, bikers, cosplayers, artists & diff.bands na tinawag naming "Bangon Quezon" dahil ang malilikom na mapagkakakitaan sa event ay ibibigay sa mga nasalantang kababayan namin. 

"CC Project"

At dahil natapos na ang trabaho ko sa pagsusurvey sa buong Quezon. Nadagdagan ng isang Isla yung area ko... Guess which area.... Marinduque. Alam nyo bang ito yung pinaka nakakatakot na byahe ko dahil 4hours ako sa barko. Tapos 4days akong mag-stay sa Marinduque mag-isa, at pagdating ko dun, saka palang ako maghahanap ng matutuluyan ko. At dahil jan, here's my whole story about it.  Travel into the Heart of the Philippines


Ang saya diba! :D Sobrang daming beses kong nagbyahe... pero thank God dahil kung hindi ko tinanggap yung project na ito... ay wala siguro akong gagastusin pabalik balik sa Manila to continue my Real Estate Training as Agent.
Natapos ng maayos ang project ko sa isang agency. at pinagpatuloy ko ang pagiging byahera sa DRIVEN. 


Nagka time din ako sa family namin (mother's side) Jadia Family ... dahil matagal din kaming hindi nagkita kita. Hindi pa siguro ako graduate sa college nung last kaming nakompleto. Kaya they decided to have their vacation here in Quezon province.



Maraming beses kaming nagbonding at namasyal kung saan saan... kasama na dun ang mga swimming at pagiging ate ko sakanila. hehe... that was the day na Story Teller ako ng mga younger cousins ko... ^^ I feel blessed talaga... :D

Here's the story... click this picture.



Pagbalik namin sa Manila... lalo akong naging active! \m/ Byahe sa Cavite para mag Ads Making... at makasama yung groupmates ko! ^^



Site Orientation sa mga condominiums and subdivisions 



Dito rin ako nagka chance na ipakita yung willingness ko tumulong at sumama sa mga outreach programs...





Paguwi ko ng Province, nagkaroon ulit ng event sa church naman called "CA Concert: NO OTHER NAME BUT JESUS" na kung saan napakinabangan ko na naman ang talent na binigay sakin ni Lord. 


Happy ako kasi nainvite ko si Mark... :D 
First time talaga nya sumama sakin dito. Hahahaha! 
Ang saya kasi daming umattend na young people!
Karamihan po dyan ay invite namin. 





Tapos umuwi na naman ako sa province para sa Reunion namin ng mga Highschool friends / classmates ko. hehe. Ang saya lang kasi nagtatanungan sila kung ilan na ang mga anak,. samantalang ako single parin. hahah.. enjoy life muna bago sumabak sa ganun. Ang sagot ko sakanila... "Marami pakong gustong gawin..." Haha... I'm glad na marami kami, nag-attendance pa nga ako, dahil ako monitor at sec.noon sa klase, hahaha. nagpirmahan naman sila! 

I came back again sa Manila nung November...
And this time... kasama ko na si Tito Bebs from Saudi umuwi na sya!!! \m/

I'm so happy na magkasama kami sa isang company na family talaga ang turingan.. :D Syempre sabay na rin kaming nag CPD (Continuing Professional Development)


Ang galing noh! Parang punong puno ng blessings ang buong 2014 ko... at halos monthly hindi ako nawalan ng activity dahil maraming dumadating na opportunity!

This December naman... natuwa ako kasi sa program ng Annual Awards namin, ako yung naglead ng National Anthem. Tapos nag special number pa kami "Acoustic concert" hehehe nakahagilap talaga ako ng kajamming and guess what , first time nya daw pero hindi halata... :D


at ang nakakatuwa at nakakataba pa ng puso ay ang mga comment ng DRIVENites namin dahil sa jamming na yan...

Katulad nalang ng comment ng President namin...



Yan yung masaya ... kasi feeling ko importante yung performance ko nung gabing yun. Hahaha.. . kasi diba pag gig naman... parang normal na. Dito talagang ibang klase yung audience namin. Parang nasa Araneta kami. hahaha!

Well , buong taon ng 2014 halos naspend ko yung time ko sa family, friends & work nang maayos at namamanage ko yung time and budget ko. So I thank God everyday... Na sa lahat ng pinagdaanan ko., hindi ko naramdaman yung problema, dahil puro positive people ang nakasalamuha ko. Nagchee-cheer up kapag feeling nega ka, at nagbibigay ng advise para mas ganahan ka... thank You God dahil binigay nyo sila sakin. This is my Best Year Ever!!! \m/


Ooooppss!
Pahabol, dahil hndi pa jan nagtatapos ang masayang 2014! 'Cause I've spent time with my college friends.. and one of the best things happened to me ay naishare ko sa kanila yung trials beyond my accomplishments. ^^ lahat kami nag sharing.. 



At dahil marami akong planong gawin sa 2015... Sinimulan ko na bago pa mag-new year....!

Yun ay ang mag-aral magbake... teacher ko si Mother earth ko. :D  Salubong sa bagong taon ang bagong kaalaman ...  Bigla kasi akong nagka-interest sa pagbe-bake, naisip ko din na pwede itong i-apply sa business. So, let's get it on! \m/ I'm soooo happy I made it! with the help of my nanay na alalay sa pagagawa., hindi ko pa kasi kaya mag-isa (First time) . Hehe. Next time, madali na ang cupcake. :D HAPPY NEW YEAR everyone!!! 




No comments:

Post a Comment