When I was in Grade III, my father was assigned to Juban Sorsogon and because he don't want us to be far, he brought us there. My parents decided to transfer us at Mario G. Guariña Elem. School. We lived there in almost 4years. Kaya naiwan ko dito yung mga kalaro at kaibigan ko sa mga classmates ko. Pinagmamalaki ko tong Quezon sa mga nakakalaro ko noon. Kaya noon palang napansin ko na sa sarili ko na nature lover ako. Hehe. I've met new friends, and loved the new surrounding and a very big family inside the soldier's camp. I've met Asian, Bj, Mariceth, ate Joan, ate Jenny, Roger, Cohen, and many more inside the camp. I also met my bestfriends Dina and Shane... nag-aaway talaga sila pag namili ako ng sasabayan ko pag-uwi at nameet ko din ang mga naging close ko sa classmates ko dun na sina Lewi, Jerome, Arlene, Joy, Myas, Jean,Bryan at Andrew.Let me describe them one by one (Ladies first):
|
Dina
|
Sya yung lagi kong kalaro noon na umaakyat talaga kami sa mga puno ng santol at bayabas tapos sa taas kami magkekwentuhan o kaya maglalatag kami ng panyo sa damuhan. Tawa lang kami ng tawa at napakalaya naming dalawa. Kapag gusto nyang makipag laro sa'kin at madami pa akong ginagawa sa bahay namin, tinutulungan nya akong matapos sa paghuhugas ng plato para lang mapabilis at makapaglaro na kami. Sweet nya diba? Hindi ko malilimutan yung sayaw naming "Two Times" nung elementary dahil napaka-sexy ng attire namin! Para syang ako, para syang boyish din kaya siguro kami magkasundo. Wala syang arte at maaasahan ng mga kapatid. Ngayon may sarili na syang pamilya at happy ako pra sakanya dahil alam ko kayang kaya nya mag-alaga ng baby dahil sya dati nag-alaga sa mga pamangkin nya :) Siguro pag nagkita kami ulit sobrang dami naming paguusapan! Hay....
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
|
Shane
|
Ito yung sweet at mahilig magsulat sa stationery tapos nakasobre pa kapag valentine's day, birthday o nagte-thank you lang sya. Ganun sya ka-showie!Hehe. Sya ang pinakamagandang magsulat sa aming magkakaklase. Nakatabi pa nga yung last letter nya sakin nung umalis kami.
Malambing talaga sya at mahinhin. Magpinsan sila ni Dina. Kalaro ko sya sa lutu-lutuan, gagawing sibuyas kunware yung bulaklak ng damo at kung anu-anong binubuo namin gamit ang stiro. Mahilig sya sa mga borloloy, malinis sa katawan at maganda talaga yung buhok nya. Bata palang kami, parang pandalaga na yung mga daliri nya at hugis ng kuko. Ngayon may pamilya na rin sya at isang anak. Masaya ako para sa kanya dahil Christian ang nakatuluyan nya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
|
Arlene
|
Nagkita na kami ni Arlene sa SM nung college ako. Dito kasi nag-highschool sa Quezon yung kapatid nya. Sayang nga kasi wala man lang kaming picture. Namiss ko sya at sobrang sya parin. Hindi sya nagbago. Mabait din sya at concern sa mga kaibigan. Maalaga sa mga kapatid, dahil katulad ko... panganay rin sya. Sabi ko non sakanya pag laki nya kamukha nya si Sharon Coneta, medyo hawig talaga diba? Hehe! Sa shool lang kami dati nagkakasama nito dahil malapit lang yung bahay nila dun kaya madali lang ang kwentuhan namin. Pinagbigyan parin ako ni Lord na may makita sa kanilang mga kababata ko. Sa ngayon, single parin sya kagaya ko. Hehe.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
|
Joy
|
Magaling to sumayaw... at sya ang pinakamaputi sa aming lahat. Late na sya dumating sa barkadahan namin dahil galing syang manila, transferred din. Sweet and maganda din buhok nya kagaya ni Shane. Matalino at active din sa school activities. Masaya ako na nakilala ko sya. Hindi man kami ganun katagal na magkakilala pero alam kong hindi nya rin ako makakalimutan. :) Masaya sya palagi, bagay sa pangalan nya! hehe... Makwento din sya at positive thinker. Siguro yun yung nagpapagaan at nagpapaaliwas ng mukha nya dahil nagrereflect yung kung ano talaga ang nasa kalooban nya. Simple at hindi sya nagpapaiksi ng buhok. One day sana magkita kami. Hindi ko makakalimutan ang surname nya dahil yun naman ang first name ng tatay ko. Hehehe.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
|
Myas
|
Late ko na din sya nakilala dahil transferred din sya. Pinsan nya sila Joy at Jerome. Ang natatandaan ko sa kanya ay yung pagiging bibo nya at makulit sa aming lahat. Makwela lang pero simple. Noon palang medyo chubby na talaga sya. Hehe. Sana naaalala nya pa ako. Nakakasabay ko rin sya pag uwi noon pero kagaya ni Arlene, medyo malapit ang bahay nila sa school.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
|
Jerome
|
Isa rin to sa mga pinakamatalinong naging classmate ko. Mag pipinsan sila nila Myas at Joy. Maryoon silang pagawaan ng magagandang pinto at doon nagpa-ukit si tatay ng pintong ginagamit namin ngayon. Masaya akong naging kaibigan ko sya dahil mula nung dumating ako sa Bicol ay naging friendly talaga sya sakin maging sa iba rin naman. Formal sya at makulit sa mga kaclose nya. Kaya noon palang nakita ko na talaga na magiging professional sya.
|
Andrew
|
Ito talaga yung ! Hehe... Transferred din sya from Manila naman. May kapatid syang naging close ko din kasi makukulit at para silang kambal. Mula nung dumating sya, lagi kaming nag-aagawan sa honor at lagi kami magkasama kapag may Quiz B or contest sa ibang school (Grade 5 kami nun). Kaya naging malapit kami sa isa't isa. Marami akong naaalala sa mga kakulitan nya parang kengkoy nung bata pa. Pero ngayon nagulat ako dahil wala na pala sya dito sa Pinas (sabi ng facebook nya hehe). Siguro nga nakalimutan nya na ako... kasi hindi sya sumasagot dati sa mga text ko pati na rin sa message sa fb. Pero sana maging successful din sya. Alam ko namang napaka-genius nya talaga. Hahaha. Well, salamat nalang sa mga kakulitan at kabibuhan nya noon dahil hindi ako sumuko magpursige sa pag aaral noong elementary dahil gusto laging mataasan yung grades nya. Hehe. This good guy. Hmmmm... I don't think na makikita ko pa sya ulet in person.
Dun na tayo sa mga taga-campo...
|
Mariceth
|
Mas bata s'ya sakin pero kalaro ko sya sa lutu-lutuan at tinda-tindahan. Hehe! Maganda talaga sya, mana sya sa mama nya. Hindi ko makakalimutan yung mga laruan nyang napakadami at puro pang babae. Haha! Ngayon graduate na sya ng college. Masaya 'ko para sakanya. Ewan ko lang kung may boyfriend na din sya. Sana makakilala sya ng kasing bait nya. Sya lang yung pinkamalapit ang bahay sa mga kalaro ko kya mabilis akong makapunta sakanila kapag gusto kong makipag laro. Same kami ng pronunciation ng nickname. Hehe... Never pa din kaming nagkita ulit.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
|
Cohen
|
Hindi kami laging magkalaro nito, pero pag napa-ulot, matagal talaga. Haha! Sya lang ang nakalaro ko dati na manika ang laruan. Inaakyat namin sa mga dahon at minsan ako ang pumupunta sa kanila. Multi-talented tong batang to at mana sa kanyang tatay. Hehe! Ngayon, sobrang dami nya nang achievements at masaya ako na nagkaka-kumustahan parin kami kahit sa facebook lang. Pero sana mameet ko ulit sya. May kapatid sya, si Cohol, un tawag namin. Graduate na din ata sya ngayon at may trabaho na. Happy din sa lovelife yang batang yan ngayon I know. Hehe.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
|
Bj
|
Magkasama rin sa combo ang tatay namin. Ahead sya ng isang taon sa akin kaya hindi kami naging magkaklase. Medyo badboy tong isang to dahil sobrang kulit nya at nang aasar. Pero nakalaro ko sya noong bata pa kami. Sumasakay ako sa palapa ng niyog at hinihila nya para umandar! Hahha! Nakakatawa no! Ngayon nagsundalo na rin sya at graduate ng Com. Sci. naks... angas mo talaga pre! Anyway, talented din sya at trying hard. Joke! Ewan ko kung bakit napunta sa kanya lahat ng talent! Madaya. Hehe. Gusto nyang pumunta samen pero hindi magka time dahil super busy na.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
|
Ate Jenny
|
Panganay si Ate Jenny sa tatlong magkakapatid. Hindi ko makakalimutan yung pagiging masipag nya at parang nanay dun sa dalawa. Panganay na panganay talaga sya. Hehe. Mabait at masipag sya, masunurin sa magulang at hindi mo maririnig magsalita ng badwords. Kapag naglalaba sya dati nanonood lang ako kung paano nya yun ginagawa. Maliit pa ako nun, hehe. Lagi akong nakatambay sa kanila kasi kalaro ko yung bunso nilang matabang bata. Hehe. Ngayon may sarili na syang pamilya at isang anak. Sundalo ang napangasawa nya. Happy ako for her kasi maayos ang buhay nya at higit sa lahat masaya sya ngayon sa mga kung anong meron sya. Sana nakita ko sya noon sa Cavite, kaya lang hindi naman ako nagka time na pumunta sa kanila nung dun ako nagwork. Malay mo balang araw magkita parin kami. Hehe.
|
Ate Joan
|
Si Ate Joan, pangalawa naman sa kanila nila Ate Jenny. Tahimik lang sya at shy type na bata noon pero matapang at seryoso. Masipag din at makapal ang buhok nya mula pa non. Nagagandahan talaga ako sa morenang 'to kasi sobrang simple at guhit na guhit ang kilay. Masipag din sya at laging katulong ni Ate Jenny.Tingin ko sakanya eh maki-Papa sya. Minsan ko lang sya dati makausap kasi tahimik lang sya... parang ako noon hehehe. Sa ngayon, may sariling pamilya na rin sya at dalawang anak (boy at girl) ang cucute nila. Nakakatuwa lang isipin na napakabilis pala talaga ng panahon. Sana makita ko din sya soon.
|
Asian
|
Ito ang pinaka naging ka-close ko! Bunso sya nila ate Jenny. Kapag may event sa school at sa kampo, kaming dalawa lagi ang partners. Masaya ako na nagkita kami after 10 years! Sobrang dami naming throwback na pinagkwentuhan. Classmate ko din sya mula nung dumating kami sa Bicol, sya na rin lagi ang kasama ko sa pagpasok at magkaangkas kami sa bike nya. Pareho kaming hindi katoliko kaya pag religion subject na, excuse kaming dalawa. Lumalabas kami ng room at naglalaro muna hanggang matapos yung subject na yun. Masaya non, lalo na yung project naming clay nung grade 5 hindi ko makakalimutan yung technique namin sa paggawa nun dahil napaka bisa at hindi nasira yung minold namin! Hahaha! Nagkita kami sa Cavite nung doon ako na-assign (2013). May yun bgo ako mag birthday. Tinawagan nya sina tatay na pasyal daw kami sa MOA at para makipag-kwentuhan na rin. Masaya ako na ganun parin sya at di nagbago. Ngayon, may work sya at madami na rin syang work experiences. Sana makahanap na sya ng girlfriend... dahil parang wala talaga syang nakekwento about sa lovelife nya. Happy ako na nagkita kami after 10 years... grabe, napakadaming pwedeng magbago pero hindi sya nagbago at wala syang bisyo, hindi rin pala barkada kaya nakakatuwang malaman yun sakanya. :)
Marami akong namiss sa Bicol after so many years. Yung paliguan sa Añog na napakalamig. Yung ilog. Yung mga picnics ng kasamahan nila tatay at mga activities sa campo. Yung sinasakay kami sa 6x6 na truck ng army kasi isasabay na kami papunta sa loob. Para kaming laging gwardyado at masaya ako dahil may mga bagay akong natutunan doon. Yung panunuod ng training nila sa parang. Naisip ko talaga na balang araw ay maging kagaya nila. Yung kantang "Kawal ang tatay ko"... Yung mala-gubat na yon na gustong gusto kong takbuhin. Yung mga bayabas tuwing umaga.
Masaya ako naging part kayo ng buhay ko. Hindi ko kayo makakalimutan. Promise. Ooops!!! walang maluluha alam ko si Shane iyakin eh, hehehe. peace.
When we left Brgy. Rangas, Juban Sorsogon...
Alam nyo ba... kahit ilang beses kong i-drawing yung posisyon ng mga bahay natin sa Bicol, nagagawa ko parin. Kasi hindi ko kayo makakalimutan bilang mga naging tunay kong kaibigan. Sa apat na taon naming tumira dyan, marami akong natutunan sa inyo at sana makita ko yung mga di ko pa namemeet sa inyo. Hindi pa huli ang lahat! :D Sorry Lewi, Bryan, Roger & Jean... hindi ko kayo mahanap sa FB.
Magkaroon man siguro tayo ng kanya-kanyang pamilya, hindi na mabubura yung samahan na nabuo sa ating lahat. Pati mga moments na sabi nga eh "part of growing up" naten... at childhood memories nabuo lahat sa Bicol. Sana makuha nyo mga pangarap nyo sa buhay... sana magkita kita parin tayo balang araw.
Zette, now ko lng nakita 'to at nabasa...grabe 'day, haba ah! Halos tanda mo lhat...ako nga di ko na maalala ung ibang mga nangyari at ung mga ibang kalokohan, hahaha!
ReplyDeleteDi man tau lagi nag-uusap at kahit magkalayo, isa ka sa pinaka -magandang bahagi ng buhay ko...
Love you, beshie...